Friday, March 03, 2006

Hulog ng Langit

Napakasaya talaga nitong araw. Ang daming talagang nangyari. Papunta akong school noong ito ay nangyari. Habang naglalakad sa may labas ng Shangri-La, biglang may pumatak sa ulo ko. Kala ko patak lang ito ng ulan pero nagkamali ako. Kung patak man ito ng ulan, bakit ito malagkit at kulay brown. Iniputan nga ako ng isang ibon. Kadiri talaga sobra! Agad na tinanggal ko gamit ang aking mga kamay at pinahid ko ito sa pader. Kahit na ginawa ko ito, may mga natira pa sa aking buhok. Hindi to ito matanggal dahil hindi ko ito nakikita. Kinuha ko ang aking panyo at sinubukan na itanggal ang ipot sa aking ulo ngunit marami talaga. Napaisip tuloy ako at nagpasalamat na hindi lumilipad ang mga baka kundi ano kaya ang mangyayari kung iipotan ako ng baka… Nang ako ay nakangiti at iniisip ito mga tao ay lahat nakatingin sakin tila sinasabi “ano ba itong batang ito nakakadiri, may tae na nga sa ulo ang laki pa ng ngiti”. Nang nakita ko silang nakatingin sakin gusto ko sana silang sabihan “kung alam niyo lang sana kung ano ang pakiramdam nang mataihan sa ulo tiyak kayo ay ngingiti din”. Nang ako ay patungo sa eskwelahan hinanapan ko nalang ng paraan upang matakpan ang ipot sa ulo. Tinakpan ko ito ng aking buhok at pilit na pinasok sa kaloob-loob ng aking buhok. Alam ko nakakadiri ang aking ginawa ngunit ayaw ko malate sa 1st subject na isa sa aking mga paborito. Nang nasa school ako ako ay nahihiya sa lahat at baka mapansin nila ito ngunit hindi. Ang galing ko talaga at hindi nila nakita ang tae sa aking ulo buti nalang mahaba ang aking mga buhok. Ngunit nangangamoy parin ito. Nagtataka ang aking mga kamagaral kung ano ang nangangamoy. Sabi ko na siguro nangangamoy nanaman ang aircon dahil sa wala itong linis. Ngunit napapagsuspetyahan na ako na may tae sa aking ulo. Nang pumunta ako sa CR nakita ko ang aking kaibigan. Sabi niya sakin na kung gusto ko ba daw lumabas at gumimik. Sabi ko sa susunod nalang. Sabi niya anong problema? Sabi ko mayroon lang nahulog galing langit. Ewan ko at kung bakit siya napangisi at sinabi sakin “chix nanaman yan anoh kaw ha hulog ng langit hulog ng langit ka pa diyan” Kung chix nanaman yan anoh kaw ha hulog ng langit hulog ng langit ka pa diyan” Kung chix lang nga sana yun matutuwa pa ako ngunit hindi lang niya alam na ang hulog sa akin ng langit ay ipot mula sa isang ibon. Nang ito ay hinugasan ko sa lababo ako ay halos masuka at ito ay masyadong malagkit, malapot, mabaho na tila amoy kanal, at ito ay napakahirap alisin. Ito ay kulay green na may pagka brown at may mga puti puti sa dulo. Ewan ko nga kung bakit ito ay ganito pero tiyak na one in a million na ipot ng ibon ito. Pagkahugas ko nito dumikit ang amoy sa aking kamay pero pasalamat nalang at mayroon tubig na aking pinanhugas. Pagkatapos ng lahat ng iyon kumain kami sa labas at mmmm ang sarap magkamay.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home