Friday, March 03, 2006

MASULIT

Pagpunta ko sa skul kanina, ok naman ang lahat. Magaan gaan pa ang aking pakiramdam nung calculus palang namin. Pagkatapos ng calculus, biglang bumigat ang aking pakiramdam. Sinabi ko agad kay Butch. Badtrip talaga kasi filipino pa naman nung time na un. Medyo badtrip pa naman ako sa teacher na un. Hindi ko na kayang tiisin pa kaya nagpaalam ako at ako'y pumunta sa cr. Pero hindi ko sinabi kay Ms. Gorayeb na tatae ako kasi maririnig ng buong klase. Nakakahiya talaga kung ganun kasi tatawa silang lahat. Kaya naisip ko na bilisan ko nalang ang pagtae ko. Nang nasa cr na ako, agad na tumae ako. Binilisan ko talaga. Sinubukan ko madaliin ang paglabas ng tae. Nang natapos na ako, bumalik agad ako sa klase. Walang nakahalata na tumae ako dahil sobrang bilis ko. Parang umuhi lang ako nun. Grabe! ang sarap ng pakiramdam ko. Parang cellphone na lowbat na chinarge ulit. Ganun ung feeling ko nun. Ang sarap talaga! Pauwi na kami maya maya. Pumunta kami sa Shangri-La at kumain. Marami akong nakain nun. Habang kumakain kami, ang ganda ng aming mga pinaguusapan. Ang topic naman ay "TAE". Kuwentuhan kami tungkol sa mga problema namin kapag tumatae kami. Pinakagrabe ung kay Butch. Pero hindi ko sasabihin kung ano un. Kadiri talaga sobra! Massumasarap pala ang pagkain kapag tae ang pinaguusapan. Hindi ko talaga alam kung bakit pero ganun talaga. Pagkatapos kumain, pumunta kami sa mrt station. Bibili na dapat kami ng ticket.. pero.. minalas nanaman ako. Lalo akong natae! Masmalala kaysa sa nung natae ako nung filipino time. Grabe talaga! agad na sinabi ko kay Butch. Takbo kami pabalik sa Shang at pumunta sa pinakamalapit na cr. Kahit na may bayad para gumamit ng cr, pinili ko parin un dahil d ko na talaga kaya. Lumalabas na kasi talaga! Pinaintay ko lang sila sa labas. Agad na pumasok ako sa cr. Sulit pala ang bayad kapag nagtagal ka sa cr. Nung nakaupo na ako sa trono, ang dami kong nariinig na taeng nagbabagsakan sa tubig. Ang mga tao pala sa cr na 'to ay tumatae rin. Lugi ka talaga kapag pumasok ka sa mahal na cr tapos umihi ka lang o humugas. Pero sulit kapag tumae ka. Pangit pala talaga kapag minamadali mo ang paglabas ng tae. Dapat magtagal ka talaga sa cr. Kapag nagmamadali ka, marami pang naiiwan kayat posibleng matae ka ulit mayamaya pero masmalala na. Ayun.. So lumabas na ako sa cr at pumunta sa kanila at umuwi na kami.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home