Saturday, March 11, 2006

Full Blast!

Friday ng umaga pa lang, medyo na tatae na ako. Hindi ko alam kung bakit pero medyo masama ang aking pakiramdam. Pero bago mag english class, nakatae agad ako. Niloloko ako nila Butch at susundan dapat nila ako sa cr. Sabi nila na kapag umupo na ako para tumae, tatalon talon sila at sisilip sa taas ng pinto para. Natakot ako kaya sa cr ng ibang floor nalang ako pumunta. Nang papunta na ako sa cr, tingin ako ng tingin sa akin likuran. Posible kasing sinusundan nila ako at pagtripan pagupo ko sa anidoro. Pero buti nalang hindi nila ako sinundan. Ang sarap talaga tumae kapag taeng tae ka na talaga. Nang gumabi na, medyo kinakabahan ako sa gagawin namin sa susunod na araw. Kailangan namin magpatawa sa harap ng mga bata. Kailangan namin magjoke sa harap ng mga bata at 4 na ibang block. Sobrang dami ang manonood kaya kinabahan ako. Kachat ko si Butch tungkol sa gagawin namin sa susunod na araw. Kinakabahan talaga ako at natae ulit ako. Nagpaalam ako kay Butch na magccr muna ako. Nagcr ako at bumalik agad para makachat si Butch. Bilib na bilib siya sa akin dahil sobrang bilis ko na tumae. Ito sabi ko sa kanya. "Sobrang bilis lang talaga tumae. Full last lang tapos hugas agad! Tapos na!". Masmadali kung iipunin mo ung tae tapos ilalabas mo agad lahat (full blast) para sandali lang. Nakalipas na ang gabi at kailangan na namin magpatawa sa araw na ito. Pinagusapan namin kung ano ang gagawin namin. Ang plano ay skit muna tapos joke. Bale ginawa namin ito. Hiyang hiya talaga kami dahil nang nagsskit na kami, halos walang tumawa. Pagkatapos namin magskit, nagjoke ako sa harap. Sobrang nakakahiya talaga dahil wala nanamang tumawa. Yan na ang pinakanakakahiyang nangyari sa akin sa buong buhay ko. Naisip ko na magiba ng itsura sa susunod na araw para hindi na ako makilala sa skul. Pero dahil dito, hindi na ako nahiya pumunta sa harap at magsalita.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home